Home ENTERTAINMENT Kumpirmado: Ai Ai at Gerald, hiwalay na!

Kumpirmado: Ai Ai at Gerald, hiwalay na!

Manila, Philippines – Bad news: kumpirmado nang hiwalay ang mag-asawang Ai Ai de las Alas at Gerald Sibayan!

Wari ay naglabas muna ng teaser ang Fast Talk with Boy Abunda sa episode nito noong November 8, Biyernes tungkol dito.

Sa Lunes, November 11 ay tatalakayin ng nasabing showbiz talk show ang tungkol sa hiwalayang ito.

Bale ba, ‘yun din ang petsa ng 60th birthday ng Comedy Queen.

Totoong hindi lang nakakagulat kundi nakakagimbal pa ang kinasapitan ng pagsasama nina Ai Ai at Gerald.

The couple broke up after 10 years of being married.

Matatandaang ikinasal ang dalawa sa Christ the King Parish Church sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2014.

Sa kabila ng inabot nilang pagpuna sa kanilang May-December affair, sinuong pa rin nina Ai Ai at Gerald ang kanilang relasyon.

Matatandaang panauhin ni Boy si Ai Ai sa kanyang Sunday show na My Mother, My Story days before their respective birthdays.

For now, we can only speculate what went wrong with Ai Ai and Gerald’s marriage.

Pero ano’t anuman, sana’y magkaayos silang dalawa. Ronnie Carrasco III