Home HOME BANNER STORY Signal No. 2, itinaas sa 2 lugar sa Severe Tropical Storm Nika!

Signal No. 2, itinaas sa 2 lugar sa Severe Tropical Storm Nika!

MANILA, Philippines – Lumakas pa at naging isang severe tropical storm na ang bagyong Nika.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 690 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 100 kilometro kada oras, at pagbugso na hanggang 125 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong northwestward sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Dahil sa Severe Tropical Storm Nika, itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa southeastern portion ng Isabela (Dinapigue) at northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan).

Habang nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Southern portion ng Cagayan (Tuguegarao City, Peñablanca, Enrile, Solana, Iguig),
Rest of Isabela,
Quirino,
Nueva Vizcaya,
Southeastern portion ng Kalinga (City of Tabuk, Rizal, Tanudan),
Eastern portion ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig), Ifugao,
Eastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Tayug, Natividad, San Quintin, Umingan),
Rest of Aurora,
Nueva Ecija,
Northeastern portion ng Pampanga (Candaba, Arayat), Northern at eastern portions ng Bulacan (Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Doña Remedios Trinidad, Angat),
Eastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar)
Polillo Islands,
Camarines Norte,
Camarines Sur,
Catanduanes,
Northeastern portion ng Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu). RNT/JGC