Manila, Philippines – Napahagulgol na lang si Pokwang nang matuklasang nasimot ang kanyang Gcash.
Aabot sa halagang P85,000 ang nawala sa digital wallet niya, na bale pag-aari ng kanyang anak.
Bale ba, nagbukas si Pokwang ng digital wallet para doon diretso ang kita sa ni-revive niyang gourmet business.
Pati sahod daw ng kanyang mga tauhan ay kasama sa tinangay.
Nagbigay kasi si Pokwang ng mapagkakakitaan ng mga single mom.
Inutang pa nga raw ang ipinuhunan niyang muli roon.
Kaya ganoon na lang ang sama ng loob ng Kapuso TV host-comedienne: “Imagine, pag gising ko, simot ang lahat ng laman ng Gcash ko!”
Ipinagtataka naman ni Pokwang ang 30 iba’t ibang unregistered cellphone numbers kung saan dumiretso ang kanyang P85,000 balance.
Paano raw nangyari ‘yon?
Nagbahagi rin ang ibang netizens ng kanilang kaparehong karanasan kung saan natangayan din sila ng pera sa naturang digital wallet.
For its part, nangako naman ang pamunuan ng Gcash na walang dapat ikabahala ang ilang netizens over their lost or stolen money dahil ginagawan na nila ito ng paraan.
Dating kasosyo ni Pokwang ang ex-partner niyang si O’Lee sa gourmet business.
Kinuwestyon ni Pokwang si Lee dahil sa mga transaksyon nito. Ronnie Carrasco III