Manila, Philippines – Isang buwan makaraang mag-file siya ng CoC sa pagka-Councilor ay opisyal nang umatras si lon Perez.
Si lon ang isa sa mga host ng It’s Showtime na karelasyon ni Vice Ganda.
Nitong October 1–unang araw ng CoC filing–nang ikasa ni lon ang kanyang pagtakbo bilang Councilor ng kanyang hometown, ang Concepcion sa lalawigan ng Tarlac.
Inanunsyo naman ni lon ang kanyang withdrawal o pag-atras nitong November 4, Lunes.
Ipinost ni lon ang kanyang pasasalamat at tiwala na ipinagkaloob sa kanya ng mga kababayan niya.
Pero kasunod nito’y ang paghingi niya ng paumanhin dahil sa kanyang naging desisyon.
Ani lon, hindi naman daw niya tuluyang tinatalikuran ang pagpasok sa pulitika.
Pero mas maganda raw kung mapaghahandaan niya ito.
Ito’y sa dahilang ayaw daw niyang mapahiya sa tao at para mas makapaglingkod sa kanyang mga nasasakupan.
Bago mag-file ng CoC, opisyal na tinaggap ng National People’s Coalition si lon.
Ang masasabi lang namin sa ginawa ni lon–wise move! Ronnie Carrasco IiI