Home ENTERTAINMENT Kumpirmado: Liza, wala na sa kumpanya ni James!

Kumpirmado: Liza, wala na sa kumpanya ni James!

226
0

Manila, Philippines- Mismong ang Careless Music, ang recording label at management company ni James Reid, ang nag-anunsyo nitong September 14, Sabado na hindi na nito hawak bilang talent si Liza Soberano.

Careless Music is co-owned by American-Korean businessman Jeffrey Oh.

Bago rito, nitong August ay hindi na naging laman ng mga social media pages ng Careless Music si Liza.

Lalo pang nabuo ang suspetsa that Liza already left the company nang mapansin ng mga netizens na hindi na niya ito pina-follow sa kanyang social media account.

Despite Liza’s unfollowing Careless Music ay nananatili pa namang nagpa-follow ito sa kanya.

Matatandaang June 2022 nang simulang hawakan ng Careless Music ang career ni Liza.

This was after the actress no longer renewed her contract with Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Kasabay nito’y ang pagkalas din ni Liza mula sa managerial wings ni Ogie Diaz.

Maraming idinahilan noon si Liza sa likod ng kanyang career decision.

Aniya, pakiramdam daw niya’y sinisikil ang kanyang artistic freedom.

Nabanggit nga rin niya na maging ang pangalang “Liza” ay ipinilit lang na ipagamit sa kanya.

Inalmahan din niya ang pagkakadikit niya sa tambalan nila ni Enrique Gil.

Kinalaunan, Liza endeavored to chase her Hollywood dream na nagkaroon naman ng katuparan via a single movie Lisa Frankenstein na hindi na nasundan.

Liza also had a chance to work on a Korean series.

Pero most of the projects na aniya’y kabilang siya–sadly–haven’t seen the light of day. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here