Home METRO Kuryente sa 24 barangay sa Masbate, naibalik na

Kuryente sa 24 barangay sa Masbate, naibalik na

280
0

LEGAZPI CITY, Philippines – Ayon sa ulat ng Masbate Electric Cooperative, Inc. nitong Lunes, naibalik na ang kuryente sa 24 barangay na tinamaan ng bagyo sa Masbate.

Sa 328 na barangay na binibigyan nila ng serbisyo, 7.32 % ng kuryente ay naibalik na.

Ang mga barangay kung saan naibalik ang kuryente ay binubuo ng 10 sa Masbate City, tatlo sa Mandaon, tatlo sa Uson, anim sa Mobo, at tig-isa sa Balud at Cataingan.

“MASELCO linemen and Task Force teams are working tirelessly to restore power to all affected areas,” ayon sa post ng kooperatiba.

Ang mga pagsisikap sa pagpapanumbalik ng power supply ay nagpapatuloy habang hiniling ng MASELCO sa mga mamimili ang “patience, understanding, and cooperation.”

“Do not touch or attempt to fix any wires near your home; doing so can cause severe electric shock, injury, or even death,” saad nito.

Isa ang Masbate sa pinaka tinamaan ng Severe Tropical Storm Opong (international name Bualoi) noong nakaraang buwan.

Tinantya ng MASELCO ang pinsala ng bagyo sa kuryente sa PHP390.3 milyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here