Home METRO Kutis porselanang bangkay natagpuan sa Bulacan

Kutis porselanang bangkay natagpuan sa Bulacan

Bulacan – Humihingi ng tulong sa netizen ang Doña Remedios Trinidad Municipal Police Station para makilala ang natagpuang maputing bangkay ng isang lalaki.

Sa Facebook post ng Pulisya ng DRT, nitong umaga ng Martes, Mayo 28, nakasuot ng blue t-shirt with printed “Off limit” at blue jogging pants with rubber shoes ang bangkay.

Tinatayang nasa 40 hanggang 45 ang edad, may taas na 5’7” hanggang 5’9 ang bangkay na may taglay na kaputian ang kulay ng balat.

Nanawagan ang pulisya sa netizen o publiko na sakaling may nalalamang impormasyon ay tumawag sa kanilang istasyon sa numerong 09985985379. (Dick Mirasol III)