Home ENTERTAINMENT ‘Salamin, Salamin’ ng BINI orasyon ng mangkukulam – religious group

‘Salamin, Salamin’ ng BINI orasyon ng mangkukulam – religious group

Kanta ng Bini, pinaratangan, sinabihang ‘spell’ ng mangkukulam!

Manila, Philippines – Ang energetic na kanta na Salamin, Salamin tungkol sa first love, ng trending girl group na BINI, ay patok sa marami lalo na sa mga teenager na nakaka-relate dito.

Pero ang Salamin, Salamin, ayon sa isang religious Facebook page, ay kinumpara sa spell ng isang mangkukulam.

Sa umpisa pa lang ng post ay direkta na ang pag-atake ng Follow Jesus Ministry sa kanta. “Witchcraft song na sinayaw sa church, wala ba talagang mali?”

May naka-attach sa post na image ng lyrics ng kanta ng BINI na naka-underline at katabi nito ay ang screenshot ng libro ni Vivi James na, “Mirror Magic (Scrying, Spells, Curses, and Other Witch Crafts).”

Ilan sa bible verses na naka-quote sa post ay galing sa Matthew, Deuteronomy, and Second Letters to Timothy.

As of writing ay 6.5k reacts na ang post at 2.3k ang shares. 5.7k sa reacts na ito ay “haha” o pinagtatawanan ang post. Mahigit sa 380k ang followers ng page.

Ito ang ilan sa top comments:

“For sure habang ina-analyze nila to, napapasayaw sila. Tsk tsk amanapokayo,” hirit ni Adrian Cardiño.

“If you’re a Christian and you’re focusing on this issue, you might be missing what’s important,” observation ni Reuel Sarrosa Enerio.

“Toxic Christianity in a nutshell,” sey ni Miggy Malicdem. Trixie Dauz