Home METRO Kuya arestado sa pag-hostage sa kapatid sa TondoMETRONATIONWIDETOP STORIES Kuya arestado sa pag-hostage sa kapatid sa TondoMarch 18, 2025 11:24 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos nitong i-hostage ang kanyang nakababatang kapatid sa Tondo, Maynila, Lunes ng hapon.Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Alex Niez, 31.Sa ulat, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at kapatid na si Arnel, 28.Sa gitna ng kanilang komprontasyon, ang suspek ay hinostage umano ang kanyang kapatid habang hawak ang isang patalim na nasa 11 pulgada.Sa pangyayari, rumisponde ang barangay at inalerto an rin ang Asuncion Police Community Precinct (PCP) kung saan kinausap ang suspek.Ayon sa awtoridad, noong una ay tumanggi ang suspek na sumuko at hiniling ang presensya ng kanilang ina bago siya sumunod sa pulisya.Nang dumating ang kanilang ina, maayos at payapa namang sumuko ang suspek.Tumagal lamang ng 30 minuto ang hostage taking na nagdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa lugar dahil na rin sa mga tao na nanonood sa pangyayari.Mahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek , ayon pa sa pulisya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)