BUMISITA sa ospital sina Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Regional Director Police Regional Office 4A at Rizal PNP
Director Police Colonel Felipe B Maraggun kay Police Corporal Mark Abagon ng Cainta Municipal Police Station nitong Lunes ng umaga bandang 10:40 A.M ng March 17, 2025.
Gayundin, kinilala ni RD Lucas ang katangi-tanging paglilingkod ni PCpl Abagon sa naganap na buy-bust operation kung saan ito ay nauwi sa armed confrontation at pagkakasugat ng nasabing pulis.
Ginawaran si PCPL Abagon ng Medalya ng sugatang magiting para sa kanyang ipinamalas na katapangan sa pagtupad ng kanyang tungkulin. Val Leonardo