Home NATIONWIDE 20 vloggers binabantayan ng NBI sa pagpapakalat ng fake news

20 vloggers binabantayan ng NBI sa pagpapakalat ng fake news

MANILA, Philippines – Binabantayan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 20 vloggers na inakusahang nagpapakalat ng fake news online kasama ang dalawang mayroong warrant of arrest.

Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago na ang ahensya ay may mga listahan na ng mga vloggers at kanilang kamakailangang mga post sa social media– isa rito ay naka-base sa United States.

Tinitignan na rin ng NBI kung ano ang maaring isampahang reklamo laban sa mga indibidwal.

Ayon kay Santiago, papasok sa cyber libel at inciting to sedition .

Samantala, nakikipagtulungan din ang Malacanang sa NBI
upang labanan ang pagkalat ng fake news.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Palasyo sa National telecommunications Commission at Department of Information and Communications Technology para parusahan ang mga fake news peddlers.

Ibinunyag naman sa kamakailang Social Weather Stations survey na 62% ng mga Pilipino ay naniniwalang na ang fake news ay isang seryusong problema. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)