Manila, Philippines – Pagkatapos ng hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ay natsismis noon ang una sa pagkaka-involved niya sa isang tattoo artist.
Katunayan, may sightings noon ng pagsasama nila sa mga ganap at out of the country trip.
Gayunpaman, never namang umamin si Kylie tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Marahil bilang ina, gusto rin niyang protektahan ang kanyang mga anak.
Recently naman, inamin ng Kapuso actress na she is happily single.
So, ibig sabihin ay split na sila ng nasabing guy.
Sey pa ni Kylie, bet daw muna niyang magpokus muna sa kanyang kids.
Para sa kanya, makapaghihintay nga naman ang kanyang lovelife.
In the meantime, masaya rin siya dahil wala nang wall sa kanila ng ex na si Aljur Abrenica at sa live in partner nitong si AJ Raval. Archie Liao