Home ENTERTAINMENT Kylie, umamin sa bagong jowa!

Kylie, umamin sa bagong jowa!

Manila, Philippines- Naispatan noon si Kylie Padilla na kasama ang bulky guy sa isang mall.

Bagama’t natsitsismis na ang hombre daw ang bago niyang dyowa, wala pa namang tuwirang pag-amin sa aktres tungkol sa kanilang relasyon.

Sa mga nakakakilala sa non-showbiz guy, ito ay ang tattoo artist na si Jinno John Simon.

Sa TikTok video naman ng celebrity fitness coach na si Francis Simon na kapatid ni Jinno, natanong si Kylie tungkol sa isyu.

Ani Francis: “Meron akong itatanong. Nagkakagulo ang lahat, nagtatalo sila, e. Sino ba ‘yung kasama mo sa mall, ‘yung nakaputi at long hair?”

Wala namang kagatol-gatol na sinagot ni Kylie ang pag-uusisa sa kanya ni Francis.

“Ah, ‘yun ba? Siya ‘yung nagpapasaya sa puso ko. ‘Yun ‘yon,” tugon ni Kylie.

Biniro naman ni Francis si Kylie kung kilala niya ang lalakeng tinutukoy ng aktres.

Sey ni Kylie: “Parang kilala mo ‘yun, kuya. Parang kamukha mo nga e.”

Hirit ng kibitzers, bagama’t walang direktang kumpirmasyon, katumbas na raw ng pag-amin ang sinabi ng aktres. Archie Liao

Previous articleSenado nag-isyu ng show cause order vs Quiboloy
Next articlePH, US, Japan magsasagawa ng trilateral meetings sa Manila, Washington – senior officials