Home ENTERTAINMENT Kyline, di magpapaliwanag sa kandong isyu!

Kyline, di magpapaliwanag sa kandong isyu!

Manila, Philippines- Sa New York nakatakdang bumiyahe si Kyline Alcantara in time for her birthday on September 3.

Makakasama niya ang kanyang ina.

As soon as she flies back home, tamang-tama namang ang sasalubong sa kanya ay ang pag-eere ng kanyang GMA teleserye, ang Shining Inheritance.

Pero hindi pa man nakakaalis si Kyline ay sinasalubong na siya agad ng bashing mula sa mga konserbatibong netizens dulot ng nag-viral nilang mga larawan ng rumored boyfriend niyang si Kobe Paras.

Ito ‘yung mga kuha sa isang private event kung saan nakakandong siya sa basketbolista habang nagkakasayahang mag-videoke.

Ano ang reaksyon ni Kyline tungkol sa mga comments ng netizens?

Aniya: “I think it’s my right not to answer or answer that in the same way that it’s my right to deny or confirm what’s going on!”

Basta ang alam daw niya sa kanyang sarili na hindi isyu ‘yon as far as her family is concerned.

“As long as alam ng family ko, mga kaibigan kong close as well as my loved ones know what’s happening behind the cameras, I don’t owe the public any explanation!” dagdag niya.

At gasgas mang pakinggan, Kyline stressed: “What they see is what they’re gonna get!”

Tungkol naman sa real score nila ni Kobe ay wala raw siyang maapuhap na eksaktong salita to describe it.

Basta raw iba ang feeling.

Lumalabas din daw ang kanilang nararamdaman through gestures, sweet as they are: “Saka sa aura namin, I guess!”

Matatandaang ang mga ultra-conservative netizens ay tila na-disorient kay Kyline nang lumabas ang mga cozy pictures nila ni Kobe.

Buwan ng May nang magsimulang mag-viral ang mga sightings sa kanilang dalawa. Ronnie Carrasco III