Home ENTERTAINMENT Kyline, rumampa sa NY fashion week, na-bash!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kyline, rumampa sa NY fashion week, na-bash!September 12, 2024 16:33 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Katakot-takot na bashing ang inani ni Kyline Alcantara for gracing the recent New York Fashion Week.Along with her rumored beau Kobe Paras, nagpakitang-gilas sila ng kanilang catwalk skills.Both were garbed in black top and shorts.Between the two, mas nakatanggap pa ng mga papuri si Kobe who was ruggedly handsome bukod sa matangkad pa ito.But this cannot be said of Kyline who the netizens describe as “trying hard” na magmukhang matangkad.Obyus na “vertically challenged” daw ang aktres.Sana man lang daw ay nagsuot ito ng high heels o stiletto.Halatang hindi raw kumportable si Kyline who looked conscious on the ramp.Napaghahalata lang daw na hindi siya isang ramp model.Mas hinangaan pa ang ibang female celebrity models na nakasabay na rumampa ni Kyline.Bago rito’y inanunsyo na ni Kyline ang pagpunta sa New York para ipagdiwang doon ang kanyang kaarawan with her mom.Samantala, may mga dumepensa naman sa Kapuso actress.‘Yun nga lang, pilit ikinukumpara ng mga ito si Kyline kay Cassy Legaspi–kambal ng ex-boyfriend niyang si Mavy.Kelan naman daw kaya rarampa si Cassy sa mga fashion week abroad?Kung rarampa man, ma-impress kaya ni Cassy ang mga manonood with her catwalk skills? Ronnie Carrasco III