MANILA, Philippines – Umapaw na naman ang La Mesa Dam matapos na lumampas ang lebel ng tubig nito sa spilling level dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.
Sinabi ng PAGASA na ang lebel ng tubig ay umabot sa 80.16 metro o 0.01 metrong mas mataas sa spilling level nito.
Inabisuhan ang mga residente ng posibleng epekto nito sa low-lying areas malapit sa Tullahan River sa Quezon City (Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway, Sta. Quiteria, at San Bartolome), Valenzuela (North Expressway, La Huerta Subdivision), at Malabon. RNT/JGC