Home NATIONWIDE La Niña Alert itinaas ng PAGASA

La Niña Alert itinaas ng PAGASA

308
0

MANILA, Philippines – Nagtaas ng La Niña Alert ang PAGASA nitong Lunes, Setyembre 15, matapos umabot sa 70% ang posibilidad na magsimula ito sa pagitan ng Oktubre at Disyembre 2025 at tumagal hanggang unang bahagi ng 2026.

Noong Agosto, naglabas muna ng La Niña watch ang ahensya nang nasa 55% pa lang ang tsansa.

Ang La Niña, malamig na yugto ng El Niño-Southern Oscillation, ay kadalasang nagdudulot ng mas maraming bagyo at mas mataas na antas ng ulan.

Ayon sa forecast, mas mataas ang posibilidad ng malalakas na pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa dahil sa habagat, thunderstorm, low pressure area, at iba pang sistema na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide.

Nanawagan ang PAGASA sa publiko lalo na sa mga bulnerableng lugar na maghanda laban sa posibleng epekto. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here