Home NATIONWIDE Batas na nagbabawal sa kaanak ng opisyal na makakuha ng kontrata sa...

Batas na nagbabawal sa kaanak ng opisyal na makakuha ng kontrata sa gobyerno, inihain ni Sandro

293
0

MANILA, Philippines – Naghain si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ng House Bill 3661 na layong ipagbawal ang mga kamag-anak ng public officials hanggang ika-apat na antas ng consanguinity na pumasok sa mga kontrata ng gobyerno.

Inihain noong Agosto 13—dalawang araw matapos ibunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 15 kontratista ang kumopo ng 20% ng higit ₱500 bilyon na flood control deals—ipinalabas ang kopya ng panukala nitong Lunes.

“This measure is simple but crucial: to strengthen accountability and ensure integrity in public service,” ani Marcos, Majority Leader ng Kamara. “Government funds are meant to serve the Filipino people, not to enrich relatives or perpetuate undue advantage.”

Sakop ng panukala ang mga kontratang may kinalaman sa supplies, serbisyo, imprastruktura, joint ventures, at PPPs, maliban sa mga kontratang highly technical, proprietary, o confidential.

“We owe it to every taxpayer to safeguard every peso. This is what genuine public service demands,” dagdag niya.

Ipinasa ang panukala kasabay ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Kamara at Senado, at matapos likhain ng Pangulo ang Independent Commission for Infrastructure para siyasatin ang mga anomalya sa flood control projects. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here