MANILA, Philippines – Isang guro ng Emilio Aguinaldo College (EAC) ang namatay makaraang umano’y nalunod at natagpuang nakalutang sa gilid ng ilog sa Dasmarinas City, Cavite.
Ayon sa report, kinilala ang biktima na si Julian Dante, 42, may-asawa, teacher ng EAC na kasalukuyang residente ng Brgy. San Lorenzo Ruiz, ng nasabing lungsod.
Batay sa salaysay ng asawa, huli nitong nakita ang biktima na naglalakad sa gilid ng kalsada malapit sa ilog sa Barangay Emmanuel Bergado 2, ng naturang lugar subalit simula noon ay hindi na ito nakauwi ng bahay.
Napag-alaman na bandang alas-6:30 kamakalawa ng umaga nang nakita ng ilang residente sa lugar ang bangkay nito na nakalutang sa ilog.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung pagkakalunod nga ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Margie Bautista