Home NATIONWIDE Labi ng OFW na si Dafnie Nacalaban balik-Pinas na

Labi ng OFW na si Dafnie Nacalaban balik-Pinas na

MANILA, Philippines – Naibalik na sa Pilipinas ang mga labi ni overseas Filipino worker Dafnie Nacalaban nitong Huwebes, Pebrero 20.

Matatandaan na si Nacalaban ay natagpuang patay noong nakaraang taon sa Kuwait.

“Matapos ang matagal na paghihintay at pagsisikap ng pamahalaan, dumating na ngayong gabi ang mga labi ni OFW Dafnie Nacalaban at nakatakdang iuwi sa kanilang probinsya upang makapiling ng kanyang pamilya sa huling pagkakataon,” pahayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Si Nacalaban, na nagtatrabaho bilang household service worker sa Kuwait mula Disyembre 2019, ay iniulat na nawawala ng kanyang ikalawang employer noong Oktubre 2024.

Natagpuan ang kanyang bangkay sa bahay ng isang Kuwaiti, dalawang buwan matapos ang ulat na nawawala ito. RNT/JGC