MANILA, Philippiens – Dumating na sa Pilipinas nitong Biyernes, Pebrero 21, 2025, ang mga labi ni Pulis Koronel Pergentino Malabed Jr., na nasawi sa mid-air collision sa Washington, D.C. Isa siya sa 67 biktima nang bumangga ang isang eroplanong pangkomersyal ng American Airlines sa isang Black Hawk helicopter ng militar ng U.S. malapit sa Reagan National Airport noong Enero 29.
Nasa opisyal na biyahe si Malabed para sa pre-delivery inspection ng mga vest para sa PNP.
Umalis siya ng Pilipinas noong Enero 22 para sa inspeksyon sa India bago pumunta sa U.S. upang suriin ang mga vest.
Magsasagawa ang PNP ng mga seremonya bilang pagpupugay sa kanyang serbisyo, kabilang ang arrival honors sa NAIA, isang vigil sa Camp Crame, at necrological service.
Ang kanyang libing ay itinakda sa Pebrero 27 sa Memorial Gardens, Sta. Rosa City, Laguna. Siniguro ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang suporta para sa kanyang pamilya at kinilala ang dedikasyon ni Malabed sa serbisyo.
Makakatanggap ang kanyang pamilya ng ₱2,698,140.84 mula sa PSMBFI at iba pang insurance benefits. Santi Celario