MANILA, Philippines – Nahuli ang isang ambulansyang gumagamit ng wang-wang sa EDSA Busway, Main Avenue Northbound, bandang alas-tres ng hapon nitong Huwebes, Pebrero 20.
Sa inspeksyon ng Department of Transportation – Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT), natuklasang walang pasyente sa loob ng ambulansya.
Wala ring maipakitang trip ticket o dispatch form ang driver, dahilan upang matiketan siya.
Ayon sa DOTr-SAICT, patuloy nilang paiigtingin ang pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa emergency response vehicles. Santi Celario