MANILA, Philippines – Nasawi ang isang third-year college student na si Deserie Tadena, 22, sa isang hit-and-run sa Barangay Magallon Cadre, Moises Padilla, Negros Occidental.
Nakasakay si Tadena sa isang nakaparadang motorsiklo nang mabangga ng isa pang motorsiklo, dahilan upang mahulog siya at magtamo ng matinding pinsala sa ulo.
Hindi pa nagsusumite ng ulat ang kanyang pamilya sa pulisya.
Nanawagan si Moises Padilla Vice Mayor Ian Villaflor sa motorista na sumuko at humingi ng tulong sa publiko upang matukoy ang suspek.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Central Philippines State University-Moises Padilla Campus at umaasang makakamit ang hustisya. RNT