MANILA, Philippines – Minarkahan ng Commission on HUman Rights (CHR) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang International Labor Day sa paglulunsad ng financial at economic assistance program para sa mga manggagawa na lumalaban para sa karapatan ng mga mangaggawa.
Target ng inilunsad na programa ang Labor, Intervention, Financial and Economic (LIFE) Assishtance Program ang economic recovery initiative na humihiling na suportahan ang mga indibidwal na nahaharap sa mga hamon na may kaugnayan sa labor rights.
Kabilang rito ang harassment, threats, o violence na may kaugnayan sa union organization at labor rights advocacy.
Ang LIFE program ay mula sa memorandum of agreement (MOA) at Data Sharing Agreement (DSA) na nilagdaan sa pagitan ng CHR at DOLE noong Oktubre 2023.
Ang naturang kasunduan ay bahagi ng tugon ng Pilipinas sa obserbasyon na itinaas noong High-Level Tripartite Mission (HLTM) ng International Labor Organization (ILO) sa pagtugon sa patuloy na mga hamon na may kaugnayan sa paggawa.
Ang LIFE assistance progma ay nagsasaad din ng pangako ng CHR na magsumite ng isang komprehensibong listahan ng mga kaso na may kaugnayan sa paggawa na inimbestigahan nito sa lahat ng rehiyon sa buong bansa para sa pagtukoy ng mga kwalipikadong benepisyaryo
Ang EO ay nag-uutos sa gobyerno na tiyakin ang proteksyon ng mga karapatan ng unyon at nangangailangan ng inter-agency collaboration sa pagsisiyasat at pagresolba sa mga paglabag sa karapatang paggawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden