Home NATIONWIDE Lacson: Bagong testigo lumutang sa sinasabing ‘ghost projects’ sa Taguig

Lacson: Bagong testigo lumutang sa sinasabing ‘ghost projects’ sa Taguig

1
0

MANILA, Philippines — May mga bagong testigong lumapit umano sa Office of the Ombudsman at nagbigay ng impormasyon kaugnay ng paghahatid ng mga kahon ng pera na iniuugnay sa mga kuwestiyonableng infrastructure projects sa Taguig City, ayon kay Sen. Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson sa isang panayam sa radyo nitong Linggo na kabilang sa isiniwalat umano ng mga testigo ang isang delivery na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso.

Ang mga bagong impormasyon, ayon sa senador, ay bahagi na ng ebidensiyang sinusuri sa fact-finding investigation ng Ombudsman.

Hindi pa naglalabas ang Ombudsman ng sariling pahayag na nagpapatunay sa detalye ng umano’y money deliveries o kung sino ang posibleng sangkot dito.

Nauna nang nagsumite ang kampo ni Lacson sa Ombudsman ng documentary at testimonial evidence kaugnay ng mga inaakusahan niyang “ghost projects,” double appropriations at iba pang anomalya sa infrastructure projects sa Taguig.

Samantala, sinabi rin ni Lacson na batay umano sa pinakahuling impormasyon mula sa Philippine Reclamation Authority, umabot na sa 170 ektarya ang bahagi ng Laguna Lake sa Taguig side na sinasabing tinambakan o na-encroach nang walang awtorisasyon, mas mataas sa naunang tinatayang 85 ektarya.

Nauna nang iginiit ni Sen. Alan Peter Cayetano na dapat suportado ng matibay na ebidensiya at iharap sa tamang forum ang mga alegasyon laban sa mga proyekto sa Taguig.

Patuloy ang fact-finding investigation ng Ombudsman sa mga kuwestiyonableng proyekto sa lungsod. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here