Home METRO Lady drug pusher arestado sa P1.1M shabu

Lady drug pusher arestado sa P1.1M shabu

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang 58-anyos na babaeng drug pusher matapos makuhanan ng 163 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.1 milyon sa buy-bust operation sa Barangay Mambulac, Silay City, Negros Occidental nitong Biyerne, Marso 1.

Ayon kay Police Lt. Col. Mark Anthony Darroca, Silay police chief, ang suspek ay matagal nagn under surveillance at hinihinalang source ng illegal na droga sa Talisay City at Bacolod City.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek na tinukoy bilang high-value individual. RNT/JGC

Previous articleSenior high, architect tiklo sa sinalakay na drug den sa Bacolod
Next articleHinihinalang cocaine bricks, nagpalutang-lutang sa dagat ng Surigao