Home METRO Senior high, architect tiklo sa sinalakay na drug den sa Bacolod

Senior high, architect tiklo sa sinalakay na drug den sa Bacolod

MANILA, Philippines – Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Western Visayas ang isang drug den sa buy-bust operation sa Purok Lubi, Barangay 3, Bacolod City.

Naaresto ang hinihinalang drug den maintainer at pitong patron nito, kabilang ang isang architect at Grade 12 student.

Nakuha mula sa mga suspek ang 30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000 at drug paraphernalia.

Kinilala ni Agent Alvin Clemente, team leader ng PDEA-Regional Special Enforcement Team (RSET) Bravo, ang drug den maintainer na si Jose Weber, dating seaman.

Naaresto na dati ang suspek sa kasong may kinalaman sa droga ngunit napawalang-sala.

Samantala, sinabi pa ni Clemente na ilan sa mga suspek ay naaktuhan pa sa pot session nang isinagawa ang operasyon.

Nagpositibo sa paggamit ng droga ang lahat ng suspek at nahaharap sa kaukulang kaso. RNT/JGC

Previous articleNegosyante itinumba ng kainuman
Next articleLady drug pusher arestado sa P1.1M shabu