Home METRO Negosyante itinumba ng kainuman

Negosyante itinumba ng kainuman

MANILA, Philippines – Patay ang 56-anyos na negosyante habang sugatan ang dalawa pang kasamahan nito sa nangyaring pamamaril habang nag-iinuman sa Barangay Buenavista West, Candelaria, Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Manolito Laygo, at ang mga sugatan naman ay sina Sergio Bosita, 61, at Edwin Aquino, 51, na nag-iinuman sa bahay ng kaibigan nilang si Lester delos Reyes, nang biglang dumating ang suspek na si Roy, 53-anyos, kapitbahay ng mga biktima.

Kumuha ng baril si Roy at pinaputukan si Laygo ng ilang beses.

Dinala sa Peter Paul Medical Center ang biktima ngunit idineklarang patay.

Narekober sa crime scene ang dalawang fired bullets, tatlong fire cartridge cases, at isang live caliber .45 ammunition.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek. RNT/JGC

Previous articleP4.3M marijuana nasamsam sa Kalinga
Next articleSenior high, architect tiklo sa sinalakay na drug den sa Bacolod