Home METRO P4.3M marijuana nasamsam sa Kalinga

P4.3M marijuana nasamsam sa Kalinga

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang marijuana na nagkakahalaga ng P4.3 milyon mula sa tatlong hinihinalang tulak sa checkpoint sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga nitong Sabado, Marso 2.

Kinilala ni Police Capt. Ruff Manganip, Kalinga police spokesperson, ang mga suspek na sina Christian Lester Eliseo Mariano, 31, drayber ng Toyota Rush na may plakang NHJ-7808, at mga pasaherong sina Lloyd Driggs Oly Fernandez, 28, helper, at Romnick Cagunot Mendoza,32, tricycle driver, lahat ay residente ng Paso de Blas, Valenzuela City.

Hinarang ng mga pulis ang mga suspek ngunit mas binilisan pa ni Mariano ang paandar ng sasakyan dahilan para mabangga ang signage ng checkpoint.

Sa pagsisiyasat ng pulisya sa sasakyan, nakita ng mga ito ang 35 dried marijuana bricks at isang tubular marijuana.

Tumitimbang ng 36 kilo ang nakuhang illegal na droga at may standard drug price na P4,320,000.

Nasa kustodiya na ng Lubuagan police station ang mga suspek at nahaharap sa kaukulang kaso. RNT/JGC

Previous articleOverstaying na Indian national nahuli ng BI
Next articleNegosyante itinumba ng kainuman