Home METRO Overstaying na Indian national nahuli ng BI

Overstaying na Indian national nahuli ng BI

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang Indian national na overstaying na sa bansa, sinabi ng Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, Marso 2.

Ayon sa BI, ang Indian national ay kinilalang si Shah Gaurav Mukesh, 44 anyos, na naaresto sa Bacoor, Cavite noong Huwebes, Pebrero 29.

Hindi na niya pinalawig pa ang Philippine visa mula noong 2019.

Dinala na si Mukesh sa BI facility sa Taguig City habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya sa paglabag sa immigration laws.

“Those who make a mockery of our laws are not welcome in the country,” babala ni BI Commissioner Norman Tansingco. RNT/JGC

Previous article9 laglag sa ni-raid na drug den sa Cebu
Next articleP4.3M marijuana nasamsam sa Kalinga