Home METRO 9 laglag sa ni-raid na drug den sa Cebu

9 laglag sa ni-raid na drug den sa Cebu

MANILA, Philippines – Siyam katao ang arestado sa dalawang drug den na nilusob sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement-Central Visayas (PDEA-7) nitong Biyernes, Marso 1.

Sa siyam na drug personalities na inaresto, apat ang mga drug user na sumuko at sumailalim sa Barangay Community-Based Drug Rehabilitation Program (BCBDRP).

Bandang ala-1 ng hapon, nilusob ng PDEA-7 agents ang drug den sa Barangay Kinasang-an kung saan walo ang inaresto rito.

Kinilala ang mga inaresto na sina Yulino Navarro, 59; Chuckie Villeno, 36; at Jazz delos Reyes Quilario, 39. Sila ay mga dating drug surrenderers na nakakumpleto ng CBDRP, ani Leia Alcantara, information officer ng PDEA-7.

Naaresto rin sina Nestor Serdan, 72; Lexter Abaquita, 32; Glen Padinas, 39; Norman Larawan, 42, at Felix Tantiado, 56, na naabutan ng mga awtoridad sa loob ng drug den.

Nakuha sa mga ito ang 11 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P74,800.

Tatlong oras ang nakalipas, sinalakay naman ang isa pang drug den sa A. Borres St., Barangay Suba.

Naaresto sa raid si Joemari Tagalog, na sumuko na rin sa kasagsagan ng “Oplan: Tokhang.”

Nakuha sa kanya ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000. RNT/JGC

Previous articlePNP informant tumanggap ng P420K reward sa pagkakahuli ng most wanted person ng Bicol
Next articleOverstaying na Indian national nahuli ng BI