Home METRO PNP informant tumanggap ng P420K reward sa pagkakahuli ng most wanted person...

PNP informant tumanggap ng P420K reward sa pagkakahuli ng most wanted person ng Bicol

MANILA, Philippines – Nakatanggap ng P420,000 cash reward mula sa Philippine National Police (PNP) ang informant na nagbigay ng impormasyon para maaresto ang most wanted person ng Bicol Region.

Personal na iniabot ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr ang reward sa informant nitong Biyernes, Marso 1.

Dahil sa impormasyong ibinigay niya ay naaresto si Gilbert Concepcion sa Barangay San Martin De Porres, Parañaque City noong Enero 24.

Si Conception ay lider ng Concepcion Criminal Gang na kumikilos sa Bicol Region at wanted sa kidnapping, murder, rape, at direct assault.

“The informant’s invaluable information exemplifies the effectiveness of collaborative efforts between the community and law enforcement,” ani Acorda.

Aniya, nananatiling handa ang PNP na kilalanin at bigyan ng gantimpala ang mga makapagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad para maaresto o pasukuin ang most wanted criminals.

Hinimok din ni Acorda ang mga mamamayan na manatiling alerto at isumbong ang anumang impormasyon na makatutulong para mahuli ang mga kriminal. RNT/JGC

Previous article2 barko ng China nasa Benham Rise – Navy
Next article9 laglag sa ni-raid na drug den sa Cebu