Home HOME BANNER STORY 2 barko ng China nasa Benham Rise – Navy

2 barko ng China nasa Benham Rise – Navy

MANILA, Philippines – Namataan ang dalawang barko ng China na umaaligid sa Benham Rise, ayon sa Philippine Navy (PN) nitong Linggo, Marso 3.

Sa panayam, sinabi ni PN spokesperson for West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad
na maglulunsad ang pwersa ng PN ng air surveillance flight sa resource-rich Philippine Rise.

“Maga-attempt sila ulit ngayon. Bagamat kahapon ay na-monitor naman na ito’y nasa labas na ng ating EEZ, as of yesterday, alas 3 ng hapon,” ani Trinidad.

Ang dating United States Air Force official at ex-Defense Attaché na si Ray Powell ang nagsabi na dalawang Chinese research vessels ang umalis ng Longxue Island sa Guangzhou noong Pebrero 26 at naglakbay patungong silangan timog-silangan sa pamamagitan ng Luzon Strait.

Hanggang nitong Marso 1, sinabi na ang mga barko ay tumatambay sa silangan ng Luzon o nasa Northeast corner ng Benham Rise, na pasok sa EEZ ng bansa.

Ani Trinidad, matutukoy ng surveillance mission kung anong uri ng Chinese vessels ang namataan malapit sa Benham Rise.

“‘Yung ating presence hindi pa natin naaabot ‘yan sapagkat mas malayo ito at mas remote sa karagatan compared sa West Philippine Sea na detachment natin.”

“May mga kaukulang capability development plans naman tayo lalong lalo na sa Benham. Iba ang sea condition diyan sa Benhap sapagkat nakaharap sa Pacific Ocean. Ang sa West Philippine Sea, there are times na rough ang seas pero mas rough ang sa eastern seaboards,” dagdag pa niya. RNT/JGC

Previous articleMga magsasakang apektado ng El Niño tatanggap ng credit assistance, insurance
Next articlePNP informant tumanggap ng P420K reward sa pagkakahuli ng most wanted person ng Bicol