Home NATIONWIDE Lagay ni Digong sa The Hague ibinahagi ni VP Sara

Lagay ni Digong sa The Hague ibinahagi ni VP Sara

MANILA, Philippines- Naniniwala si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na walang kaso siyang sasagutin sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na may malakas na ‘legal argument’ ang kanyang ama na si Digong Duterte.

Sa kabilang dako, maayos naman ang kalagayan ng kalusugan ng dating Pangulo matapos na magpakita nang ‘pagod na pagod at tuliro’ sa kanyang first hearing sa ICC.

“He’s very confident about the legal arguments. He’s very confident… that what they did was wrong and there is no case to begin with,” ang sinabi ni VP Sara.

Ang dating Pangulo ay nahaharap sa crimes against humanity na iniugnay sa kanyang “war on drugs” na dahilan ng pagkamatay ng libo-libong katao.

Sinabi pa ni VP Sara na nakita niya ang kanyang ama at sinabing: “He feels better now and thankfully the doctors and the nurses are taking good care of him.”

Ang tangi lamang aniyang inirereklamo ng kanyang ama ay ang Dutch food na inihahain sa kanya sa center.

“He’s getting rice. That’s what we asked for and it’s cooked perfectly. Correct according to Filipino taste,” aniya pa rin.

Nag-request aniya ang kanyang ama ng kanyang personal na damit at suplay ng diet cola. Kris Jose