MANILA, Philippines- Nakalabas na ng Gemelli Hospitals sa Roma si Pope Francis matapos ang limang linggo nitong pananatili habang ginagamot ang kanyang pneumonia na naging unang pagpapakita niya sa publiko simula Pebrero 14 sa pamamagitan ng pagkaway sa mga bumabati mula sa balkonahe ilang sandali bago siya umalis ng ospital.
Umalis sa ospital ang kotse lulan ang papa nitong Linggo ng tanghali at sinamahan ito sa Roma ng isang convoy ng mga sasakyan ng pulis patungo sa Basiilca of Saint Mary Major.
Ang papa na may espesyal na debosyon sa simbahan at madalas na pumupunta roon, ay bumalik sa Vatican pagkatapos ng pagbisita.
Sinabi ng doktor na kakailanganin pa rin ng papa ng maraming oras para ganap na gumaling ang kanyang tumatanda nang katawan at sinabihan ang papa ng karagdagang dalawang buwang pahinga sa Vatican.
Bago umalis ng ospital ang papa, ngumiti at kumaway siya sa grupo ng mga bumabati sa kanya na nagtipon-tipon sa labas ng ospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden