Home NATIONWIDE Lahat ng 67 katawan sa banggaan ng eroplano, helicopter sa Washington narekober...

Lahat ng 67 katawan sa banggaan ng eroplano, helicopter sa Washington narekober na

UNITED STATES – Narekober na ng salvage crews ang mga bangkay ng lahat ng 67 kataong nasawi sa banggaan ng passenger plane at US Army helicopter sa Washington.

Isa na lamang sa mga katawan na narekober ang hindi pa nakililala.

Sa pahayag, tinawag ang pagkakakumpleto sa paghahanap sa mga labi bilang isang “significant step” sa pagbibigay ng closure sa mga pamilya ng mga nasawi sa aksidente noong nakaraang linggo.

“Our hearts are with the victims’ families as they navigate this tragic loss,” saad sa pahayag.

“We extend our deepest condolences and remain committed to supporting them through this difficult time.”

Nagpapatuloy naman ang mga crew sa pagrekober sa wreckage ng passenger plane na isang Bombardier CRJ-700, na pinatatakbo ng American Eagle airlines, mula sa Potomac river.

Kabilang sa mga narekober ng mga crew ay ang kanang pakpak, gitnang bahagi ng fuselage, bahagi ng kaliwang pakpak, tail cone at rudder, ayon sa National Transportation Safety Board.

Magsisimula naman ang pagrekober sa bahagi ng chopper pagkatapos ng trabaho sa eroplano. RNT/JGC