Home NATIONWIDE Lakeshore projects sa Taguig, ipinagtanggol ni Cayetano

Lakeshore projects sa Taguig, ipinagtanggol ni Cayetano

2
0

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mga lakeshore development project sa bahagi ng Laguna Lake sa Taguig, at sinabing ang mga ito ay para sa flood control, pampublikong paggamit, at pagprotekta sa lawa laban sa land-grabbing syndicates.

Ayon kay Cayetano, matagal nang pinagplanuhan ang mga proyekto at nagsimula pa noong huling bahagi ng dekada 1990 sa panahon ni dating DPWH Secretary Gregorio Vigilar.

Sinabi niyang layunin ng mga proyekto na mapangalagaan ang lawa, mabigyan ng pampublikong lugar ang mga tao, at maiwasan ang ilegal na pag-okupa ng mga informal settler at sindikato. Iginiit din niyang pag-aari ng gobyerno ang mga lupang ito at para sa kapakanan ng publiko, at hindi pribadong pag-aari.

Ang pahayag ni Cayetano ay tugon sa mga alegasyon ni Senador Panfilo Lacson, na nagsabing may mga umano’y ghost slope protection project at ilegal na reclaimed area sa paligid ng Laguna Lake at balak niyang makipag-ugnayan sa DPWH, LLDA, at Ombudsman upang mapanagot ang mga sangkot.

Tinanggihan ni Cayetano ang mga paratang at hinimok si Lacson na makipag-usap muna sa mga ahensya bago mag-akusa sa social media. Aniya, “Don’t shoot first then ask questions later.”

Idinagdag niya na ang mga lakeshore project ay nakapagbigay na ng mga parke, flood control, at pampublikong espasyo para sa mga residente ng Taguig at maaari itong magsilbing modelo para sa iba pang lugar na may lawa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here