CEBU, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation-Central Visayas (NBI-7) ang isang lalaki sa isang entrapment operation sa loob ng isang mall sa Mandaue City, Cebu noong Agosto 3 dahil sa umano’y pagkakasangkot sa multi-milyong fuel scam.
Ayon sa NBI-7, ang suspek ay taga-Liloan, Cebu at may dalawa pang kasabwat na pinaghahanap pa.
Nagreklamo ang isang negosyante na nabiktima umano siya ng syndicated estafa matapos magbayad ng ₱5.3 milyon para sa 100,000 litro ng diesel fuel.
Inalok umano ang negosyante ng diesel sa halagang ₱53 kada litro, mas mababa kaysa sa ₱88 kada litro, at nagbayad siya noong Hulyo 26.
Lumipas ang mga linggo ngunit walang naideliver na diesel. Nang makipag-ugnayan siya sa mga suspek, hiningan pa siya ng dagdag na ₱575 milyon dahil umano sa pagtaas ng presyo ng langis.
Nag-alok ang negosyante na ₱100,000 na lamang ang maidadagdag niya, at pumayag ang mga suspek. Gayunman, wala pa ring naideliver na diesel kaya humingi siya ng tulong sa NBI-7.
Naaresto ang suspek sa isang coffee shop sa mall sa Mandaue kung saan siya nakipagkita sa negosyante para kunin ang karagdagang bayad. RNT/MDS