Home NATIONWIDE Driver ng van na ginamit sa pagbaba ng ‘anti-China’ casket, natukoy ng...

Driver ng van na ginamit sa pagbaba ng ‘anti-China’ casket, natukoy ng QCPD

3
0

MANILA, Phiilippines – Natukoy ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver ng van na umano’y ginamit sa pagbaba ng ataul na may mensahe laban sa Chinese Communist Party sa Welcome Rotonda noong Biyernes ng umaga.

Ayon sa QCPD, natunton at kinuwestiyon ang driver sa follow-up operation. Sinabi nitong ang kanyang Toyota Hi-Ace (plate no. NIK 6874) ay nirentahan at ginamit umano sa insidente.

Ibinunyag din ng driver na iba’t ibang sasakyan ang ginamit sa bawat lokasyon ng paglalagay ng ataul. Aniya, ₱8,000 ang bayad sa bawat driver at ₱1,000 naman sa bawat helper na nagbaba ng ataul.

Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang driver at wala pang ibinigay na karagdagang detalye tungkol sa kanyang pahayag.

Ang ataul sa Welcome Rotonda ay isa sa limang ataul na natagpuan sa Metro Manila noong Biyernes ng umaga. Ang iba ay nakita sa Boy Scout Circle (Quezon City), Santa Cruz (Maynila), Barangay 54 (Caloocan), at Gil Puyat Avenue (Makati).

Nauna nang sinabi ng QCPD na may nakasulat sa ataul na: “Chinese Communist Party Greedy! Salot!” Ayon naman sa NCRPO, nakita umano ng isang saksi ang tatlong lalaki at isang babae na nagbaba ng ataul sa Quezon City. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here