Home METRO Lalaki itinumba sa computer shop sa Kyusi

Lalaki itinumba sa computer shop sa Kyusi

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang lalaki na nasa loob ng computer shop sa Barangay Holy Spirit, Quezon City matapos pagbabarilin nitong Huwebes ng gabi, Abril 25.

Kinilala ang biktima na si Andy Delopierre, 36-anyos.

Ang salarin ay nakasuot ng helmet at nagtungo sa counter ng computer shop, batay sa CCTV.

Yumuko pa ang suspek at sinilip ang biktima sa may counter sabay pinagbabaril ito.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang salarin.

Wala namang naiisip na nakaalitan ang biktima at hindi rin nila kilala ang suspek batay sa kuha ng CCTV.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

“Nagfa-follow up na kami ngayon. Naghahanap kami ng witnesses, tine-trace namin yung possible suspect nang maaresto at masampahan ng demanda,” ayon kay PCapt. Anthony Dacquel, hepe ng Station Investigation and Detection Management Unit ng QCPD Holy Spirit Police Station 14. RNT/JGC