Home NATIONWIDE Fire incidents tumaas ng mahigit 36% sa Q1 ng 2024

Fire incidents tumaas ng mahigit 36% sa Q1 ng 2024

MANILA, Philippines – Tumaas ng mahigit 30% ang mga insidente ng sunog sa bansa sa unang bahagi ng 2024, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Karaniwang dahilan nito ay ang mga electric fan na nag-overheat o na-overuse.

Dagdag pa, mayroon ding isyu ng kakulangan ng mga fire truck at fire station sa mahigit 100 munisipalidad.

Lumabas sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP) na mayroong 8,189 fire incidents na iniulat sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula Enero 1 hanggang Abril 25, 2024.

Ang bilang na ito ay 36.03% na mas mataas sa kaparehong panahon noong 2023 kung saan mayroong 6,020 kasong naitala.

Sa kabila ng pagtaas sa bilang ng mga insidente ng sunog, mayroon pa ring kakulangan ng fire truck at fire stations sa 120 munisipalidad.

“As of March opo, ang ating kakulangan pa rin po ng fire truck at fire station (ay) nasa 120 municipalities, and these are mga island areas,” sinabi ni BFP Spokesperson FS Superintendent Annalee Carbajal-Atienza sa panayam ng DZBB.

“The good thing is ongoing na nga po ang collaborations natin at nagkakaroon na nga po ng signing ng Deed of Donation for the lot kung saan itatayo yung ating mga fire station,” dagdag pa niya. RNT/JGC