Home NATIONWIDE 2 DLSU grads nanguna sa April 2024 Civil Engineers Licensure exam

2 DLSU grads nanguna sa April 2024 Civil Engineers Licensure exam

MANILA, Philippines – Dalawang graduate mula sa De La Salle University – Manila ang nanguna sa April 2024 Civil Engineers Licensure Examination, ayon sa resulta ng Professional Regulation Commission (PRC).

Kapwa nakakuha ng rating na 94.30% sina Ryan Sylvester Sy Chan at Cedric Jerome Carlos Donguines para kapwa maabot ang first place.

Ito ang pinakamataas na score sa 6,680 successful examinees.

Samantala, pinangalanan din ang De La Salle University – Manila bilang top performing school na may 84 sa 93 estudyanteng nakapasa sa exam o passing rate na 90.32%. RNT/JGC