MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki nang matagpuan sa loob ng isang SUV sa bahagi ng Padre Argue kanto ng Abad Santos sa Maynila nitong Martes ng umaga, Nobyembre 19.
Kasalukuyang pang inaalam ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ng biktima na nakitang duguan sa loob ng kanyang Toyota Avanza na kulay grey.
Kinakalap na ng pulisya ang mga CCTV sa lugar na maaring nakahagip sa pangyayari upang makapagbigay linaw sa imbestigasyon ng pulisya.
Isang lalaki na tinatayang nasa 50 pataas ang edad.
Napansin din ng mga operatiba ang nabasag na bintana ng SUV sa driver side.
Ayon kay Victor Corales, na isang tauhan ng Manila Traffic Parking Bureau, dalawang babae ang lumapit sa kanya at humingi ng tulong dahil nakita ang lalaki na inakalang inatake.
Nang lapitan ni Corales ang biktima dito Niya napansin na duguan kaya agad tumawag ng responde.
Dumating na rin sa lugar ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) para mag-imbestiga. Jocelyn Tabangcura-Domenden