Home METRO Lalaki patay sa atraso ng utol

Lalaki patay sa atraso ng utol

CARCAR CITY, Cebu- HINDI inakala ng isang lalaking caretaker na siya ang pagbalingan ng galit ng mga suspek sa atraso ng kanyang utol makaraan pagbabarilin, noong Lunes sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Rogen Montefalcon Fajardo, residente ng Barangay Magcagong, Sibonga, Cebu.

Nadakip naman ang isa sa mga suspek na si Rodel Campania habang patuloy na pinaghahanap ang gunman na si Roy Bacus.

Batay sa report ng Carcar City Police Station, naganap ang krimen sa gilid ng kalsada sa Sitio Lower Tawog, Brgy Valladolid, ng naturang lungsod.

Base sa kuha sa CCTV sa nasabing lugar makikitang nakatayo sa gilid ng kalsada si Rogen sa harap ng motorsiklo nitong nakaparada.

Bago ang krimen, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga suspek at kapatid ni Rogen na si Marvin na nauwi sa habulan.

Mabilis na nakatakbo si Marvin at hindi ito naabutan ng suspek kaya binalikan ng mga ito ang kapatid na is Rogen at siya ang napagbalingan ng galit.

Nagawa naman makatakbo si Rogen subalit hindi pa man nakakalayo ay nakorner na ito ng gunman na si Bacus saka pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan at mata na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Mabilis naman sumakay ng motorsiklo ang mga suspek na minamaneho ni Campania saka tumakas.

Sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad agad na nadakip si Campania habang patuloy na tinutugis si Bacus at kapwa nahaharap sa kasong murder.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen./Mary Anne Sapico