Home METRO Lalaki patay sa bangga ng bus sa Laguna

Lalaki patay sa bangga ng bus sa Laguna

167
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang lasing na lalaki matapos masagasaan ng isang bus sa Maharlika Highway sa San Pablo, Laguna, nitong Martes, Hunyo 11.

Iniulat ng Laguna Police Provincial Office (PPO) nitong Huwebes, Hunyo 13 na minamaneho ng bus driver na si alyas “Rogel” ang southbound lane ng highway nang mabangga ang biktimang si Larry Flores Zuniga.

Tumatawid umano sa kalsada ang biktima nang mangyari ang insidente.

Matapos ang pagkakabangga, sinabi ng Laguna PPO na nagtamo si Zuniga ng matinding pinsala sa ulo na agad dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng bus. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here