Home NATIONWIDE Biden, Zelensky pumirma ng makasaysayang 10-year security deal

Biden, Zelensky pumirma ng makasaysayang 10-year security deal

UNITED STATES – Tinintahan nina Pangulong Joe Biden at Volodymyr Zelensky ang makasaysayang 10-year security deal sa pagitan ng Washington at Kyiv nitong Huwebes, Hunyo 13.

Ayon sa Ukrainian leader, makasaysayang araw ito sa kanilang laban sa pananakop ng Russia.

Sa naturang kasunduan ay magbibigay ang Estados Unidos sa Ukraine ng mga military aid at training sa susunod na isang dekada, habang si Zelensky ang magsisilbing tulay sa kanyang bansa para maipanalo naman ang membership nito sa NATO alliance.

“Today is a truly historic day,” pahayag ni Zelensky sa joint press conference.

Ani Biden, ginawa na nila ang “major steps at the G7 that collectively show (Russian President Vladimir) Putin he cannot wait us out.”

Sa kasunduan, sinasabi na dapat ay magkaroon ng konsultasyon sa pagitan ng dalawang bansa within 24 hours “at the highest levels” matapos ang anumang armed attack ng Russia.

“Our security agreement is a bridge to Ukraine’s membership in NATO,” dagdag pa ni Zelensky.

Samantala, idinipensa naman ni Biden ang desisyon na hayaan ang Ukraine na gumamit ng mga armas ng US para sa short-range cross border attacks sa Kharkiv region. RNT/JGC