CAVITE, Philippines – Isang lalaki ng namatay makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakikilalang suspek habang nasa kanto ng isang subdivision sa Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang biktima sa alyas na “James” nasa hustong gulang.
Base sa imbestgasyon ng pulisya, dakong 9:47 ng umaga nang lapitan ng isang lalaki ang biktima na noon ay nasa nasabing lugar.
Napag alaman na bigla umanong bumunot ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril ang suspek at pinaualanan bala ang kawawang biktima na naging sanhi ng ikinamatay nito dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.
Batay sa pagsisiyasat sa insidente, isang lalaki naman ang hinihinalang kasabwat na nagsilbing lookout at naghihintay sa isang tricycle na ginamit sa pagtakas.
Matapos ang insidente, mabilis na umalis ang dalawang suspek sakay ng tricycle patungo sa labas ng subdivision, bitbit ang ginamit na baril sa pamamaril
Sa follow up na ginawa ng pulisya nakasuot ng itim na T-shirt, maong na shorts, puting cap at may sling bag ang gunman at nakasuot naman ng puting T-shirt.ang nagsilbing look out.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan, motibo at kinaroroonan ng dalawang suspek na magpa hanggang ngayon ay nakalalaya pa. MARGIE BAUTISTA