Home METRO Lalaki tiklo sa pagbebenta ng sex videos ng mga menor de edad

Lalaki tiklo sa pagbebenta ng sex videos ng mga menor de edad

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang lalaki na nagbebenta ng mga malalaswang video ng mga menor de edad sa ikinasang operasyon nitong Miyerkules, Agosto 21.

Ayon sa imbestigasyon, napag-alaman na ang suspek na si “Blondie,” 54-anyos, ay nagsasagawa ng mga sexual activity sa mga lalaki kapalit ng P300.

Matapos ang sexual encounter ay ibebenta niya ang video online sa titulong “Bagets Video” sa halagang P1,000 hanggang P3,000.

“Nagkaroon sila ng sexual activities na, lingid sa kaalaman nung mga kabataan na biktima niya, ay nire-record niya at ito ay pinu-publish or binibenta niya online… Meron din mga sites na binibentahan niya and marami din yung bumibili kadalasan nasa labas pa ng bansa and meron rin na dito sa Pilipinas bumibili ng mga explicit videos na ito,” pahayag ni PNP Anti Cybercrime Group Spokesperson, Police Lieutenant Wallen Arancillo.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children and the Exploitation Materials Act.

Nahaharap din sa reklamo ang mga customer ni Blondie.

“Ang imprisonment niya ay most likely 6 years and 1 day to 12 years. Since ginamitan siya ng ICT (information and communication technology), magiging 1 degree higher yung penalty niya,” dagdag ni Arancillo. RNT/JGC