Home NATIONWIDE Lalaking balisa huli sa P3.4M droga sa inidoro

Lalaking balisa huli sa P3.4M droga sa inidoro

MANILA, Philippines – Kulong sa P3.4 milyon halaga ng ilegal na droga ang isang lalaki na nahuli sa isang fastfood restaurant sa Quirino Highway, Novaliches Quezon City, alas dos Linggo ng hapon.

Sinabi ni PLtCol Mark Ballesteros, hepe ng Quezon City Police District Station 3, itinawag umano sa kanila ng security guard ng nasabing establisimyento ang napansin nitong kahina-hinalang lalaki na labas-masok sa restroom ng restaurant.

Sa pagresponde ng pulisya, huli sa akto ang suspek na kinukuha ang droga sa  flush tank ng inidoro.

Dalawang malaking plastik ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek.

Napag-alaman din sa imbestigasyon ng pulisya na dati nang nakulong sa kasong murder ang lalaki noong 1996.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. RNT