Home METRO Lalaking hindi mautangan kinatay ng kabaryong tambay

Lalaking hindi mautangan kinatay ng kabaryong tambay

118
0
Hagonoy PNP photo

Hagonoy, Bulacan- Patay ang isang 32-anyos na lalaking kumakain ng almusal matapos saksakin ng kabaryong hindi niya pinautang ng pera.

Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Michael, tricycle driver habang ang suspek ay si Ferdie, na mas kilala sa bansag na “Diablo” 36, may asawa, walang trabaho, kapwa residente ng Brgy. San Pascual.

Sa report ng Hagonoy police station, nangyari ang insidente bandang alas-10:30 ng umaga nitong Marso 1 sa Brgy. San Pascual.

Ayon sa imbestigasyon, kumakain ang biktima at ang kanyang kalive-in nang biglang pumasok sa loob ng bahay ang suspek.

Nagawa pa umanong yayain ng biktima ang suspek na walang kaabog-abog na sinaksak siya ng dalawang beses sa kanang bahagi ng kanyang tiyan.

Nang humupa ang komosyon ay dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital para sa paunang lunas subalit binawian na ito ng buhay kalaunan.

Agad namang nahuli ng mga rumespondeng pulis at barangay tanod ang suspek na nahaharap sa kasong murder (stabbing incident).

Sinasabing nagalit ang suspek nang makiusap na mangungutang ito subalit hindi pinahiram ng biktima, ayon na rin sa salaysay na live-in partner. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here